Tatlong Gabi, Tatlong Araw By Eros S. Atalia


Mula tabloid hanggang TV network, naibibigay ni Raymundo Mojica ang hinihingi sa kaniya ng industriya. Nagsimulang horoscope writer sa isang tabloid na may pinakamalaking sirkulasyon hanggang makilala sa paggawa ng documentary.

Bumalik siya sa kapistahan ng Brgy. Magapok, dahil na rin sa kahilingan ng namatay niyang ina, upang ilagay ang picture frame sa altar at isaboy ang kaunting abo sa kapatagang napalapit sa puso nito. Pagdating ni Mong (kanyang palayaw) sa probinsya ng Sta. Barbara na nakakasakop sa Brgy. Magapok, tutumbukin ito ng super typhoon. Nakipag-unahan si Mong sa bagyo para makarating agad nang ligtas sa Magapok.

Napuno ng kababalaghanat karahasan ang isa sanang simpleng kasiyahan ng tatlong araw na pista ng patron na si Sta. Barbara de Bendita. Isa-isang nawala ang mga alagang hayop at tao. Nasaksihan niya kung paanong kinain ng lupa ang isang buong baka. Nakipaghilahan siya kasama ng mga taga-Magapok laban sa isang kamay na humihila-pailalim sa isang bata. Nagawa niyang mai-record sa kanyang camera ang daan-daang kataong hindi na nagising at pati na rin ang pag-agaw ng kung anong liwanag sa mga natitirang buhay sa Magapok.

Sa dinami-dami ng kanyang teorya, mula sa pakikipagsabwatan ng mga minero sa bandido, ng rebelde sa sundalo, ng sinkhole, ng bio-chemical warfare hanggang sa alien abduction... naging mailap ang katotohanan sa isang tulad niyang mamamahayag na tagapaghatid o tagalikha ng katotohanan. Tatlong Gabi, Tatlong Araw

3.5

Isang malaking bait (yung English na salita, a) ang misteryo sa librong ito. Paasa. Nakakafrustrate. Siguro iyon naman talaga ang plano. Oo, yun nga siguro talaga. Lagyan ng misteryo, yung nakakatakot, para naman maging page-turner ang libro. Kasi nga naman kung puro realidad ang mababasa ng tao sa librong 'to baka tamarin basahin.

Pero sa totoo, okay naman eh. Nagustuhan ko. Ayos lang kahit nakakabitin at wala man lang eksplanasyon sa mga nangyari. May mga bagay talagang di maipaliwanag at di kailangan ng paliwanag. Nasa mambabasa na lang talaga kung paano niya iisipin ang mga nangyari at kung ano ang magiging konklusyon nya. Ika nga, bahala ka nang mag-isip, malaki ka na. Para nga naman may kumikiliti sa isip at masabing tumatak yung libro dahil lagi mong iniisip at di ka maka-move-on. Parang yung ex mo lang. Biro lang. Pero nakakabitin pa rin talaga. Punyeta.

Gayunpaman, ang ganda ng pagkakasulat. Medyo descriptive nga yung bandang una ng libro pero makikita mo na magaling sa paglalarawan si Eros. Nadale nya ang probinsya-vibe sa librong ito. Hanga rin ako sa pagpasok/pagsingit nya ng mga realidad ng buhay reporter at ng buhay in general-- pulitika, illegal logging, mining, mga rebelde at bandido, tradisyon at kung anu-anong kaputanginahan ng mga tao, gobyerno at kung sino-sino pa. Hindi kasi pilit. Sakto sa linya ng istorya. At nakakamulat ng mata at ng isip. May matututunan ka talaga. May humor rin kahit papaano. Nakakatuwa yung mga dayalogong ng mga tauhang hindi naman naging mukhang background lang sa libro.

Sa kabuuan, nagustuhan ko ang Tatlong Gabi, Tatlong Araw. At parang gusto ko ulit basahin. Hihi.
Paperback Puwede na. At least, may kuwento naman. Medyo disappointed lang ako dahil akala ko matatakot ako rito. Isipin mo Palanca awardee for best novel in 2013 tapos NR (no reaction) ako habang nagbabasa. In fact, hirap tapusin ang libro dahil sa sobrang atat na akong malaman kung paano ako tatakutin ni Eros Atalia kaso hanggang huli, medyo korni. Alam mo ba yong pakiramdam ng nagbasa ka ng Life of Pi (4 stars) ni Yann Martel? Yong asang-asa ka na ganoon ang kuwento tapos sa dulo bibigyan ka ng palaisipan na puwedeng hindi pala ganoon ang totoong kuwento? Yon ang sinasabi rito ng ibang nakabasa na ng award-winning na nobelang ito. Kakaiba raw. O well, para sa kanila.

Kuwento nito ni Raymundo Mong Mojica na isang journalist. Pupunta sana sya sa isang probinsya na tatamaan ng isang malakas ng bagyo. Kaso lumihis ang bagyo at natagpuan niya ang sarili sa bayang minsan naging bahagi ng kanyang kabataan, ang Brgy. Magapok. Ang barangay na ito ay napapaligiran ng mga bundok kung kaya't nakatago at pinaginintresan ng mga rebelde, mga nagmimina ng ginto at kahit ang masasamang espiritu. Parang pelikulang noong 2004 na i>The Village ni M. Night Shyamalan minus the old attire at di naman binabawalan ang mga taga-roon na lumabas ng kabihasnan. Pero self-sustaining ang mga taga-Brgy. Magapok at meron din silang kinatatakutan: ang mga Malakat na mga aswang na kumakain ng patay at tao (lalo na ang mga bata). Kaso, di naman nagpakita rito ang mga Malakat na yan. Meron pa yong tipong fleeting images ng wandering souls. Pero di naman nakakatakot. Parang hindi yata forte ni Eros Atalia ang horror. Mas effective pa yata ang Ang mga Kaibigan ni Mama Susan (2 stars) ni Bob Ong. At least doon may mga Latin words na pagginoggle translate mo ay may lalabas na nakakatakot na messages. May gimik kumbaga.

Dito sa Tatlong Araw, Tatlong Gabi kalahati ng kuwento tungkol sa pamamahayag o pagtratrabaho sa pahayagan. Tapos yong background story ni Mong pati na ang paglalandian nila ni Lumen. Kaso, coming from Intoy-Jenny na naguuminit lagi ang tagpo kapag nagkakasarilinan, si Mong at Lumen dito parang friends lang talaga - walang benefits. So, bitin. May pagka-maniac pa rin si Eros Atalia dahil sa mga paglalarawan sa suso at pawis ni Lumen habang pinagnanasaan ni Mong kahit sa kasagsagan ng mahiwagang pagkamatay ng mga tao sa Brgy. Magapok na parang off sa kuwento dahil dapat bago ka malibugan eh matakot ka muna dahil baka mamatay ka na. Huwag lang di maipasok ang kalibugan. Tatak Eros. Wag lang di mairaos ang trademark nya.

Deserving ba ito ng Palanca? Di ko alam. Sino bang mga itinaob nito? Yearly naman kasi ang Palanca so baka wala nang sumali noong malamang may entry si Eros Atalia. Tsaka sabi nila pag may botohan, may pulitika. Baka na-pulitika lang ito.

Dami pang typographical errors. Bilang Palanca awardee at medyo matagal din ang hinintay ko bago lumabas ito at medyo highly awaited pa kasi nanalo na noong ilabas ang libro, sana inayos naman ang mga typographical errors na ito. Kakawalang ganang basahin eh. May seal pa naman ng Palanca sa harapan ng libro. Nakakahiya kay Carlos Palanca. Baka bumangon yon sa libingan nya. Paperback NEVER MIND the typos in the book, hello people, naintindihan n'yo naman ang istorya, nabasa n'yo naman siya WITH EASE...ano ini-emote n'yo?

Ano, maganda siya. Sorry medyo magiging judgemental ako, yung mga hindi nagandahan, ano, hindi nila naintindihan. Kulang kayo ng konti sa neurons pero okay lang yan, pag mas ginagamit ang neurons mas na-strengthen, parang muscles lang yan. Chos. Okay hindi na ko mang-aaway, k fine magkakaiba tayo ng taste pero kase as a certified OA as in OA book reader and lover, I find this very unique at minsan lang talaga ako makabasa ng kakaibang akda, so five stars tlg siya. I mean isa ito sa mga napa-WTF ako sa huli. As I've said nga sa fb ko before, nasira ang inner peace ko sa libro na to bwahahaha. Labyu Sir Eros.

To read is to believe. chos. basta kase see it for yourself peepz.
Paperback While the true face or faces of the villain still can not reveal or unmask its legion, the dignity of the characters - the dignity of the people of Magapok - reigns as the unquestioned hero of the story. Compare the story Lugmok na ang Nayon (The Country Is Beaten) by Edgardo M. Reyes, in which men encroached into a rural area and squeezed the life out of it, sucked the blood of the people in it and pillaged its natural resources. Mechanization, militarization, mineral extraction. The spooks have many faces. Just ask Pedro Paramo. Three nights and days of passion is all it takes for a disaster - man-made or simply inhuman - to strike hard.

It takes a special kind of writer to internalize the endemic problems plaguing his society and use them as materials to an allegory or parable or plain horror story that provokes, mystifies, and sows fear and 100% terror. It takes plenty of gumption to collectivize the ills of neglected countryside, then structure a broad fictional framework out of them. Hang together all seemingly loose elements in a weirdo story. Let the reader's imagination range freely in a created context of terrifying evil. Moreover, it is FFF (freaking fearful and fantastic) to let PNH (pure, natural horror) seep out of the story in an ECW (embattled, confusing way). To let misunderstandings and puzzlement reign like fanged parasites and vampires in our midst. Misunderstanding and puzzlement reign; comprehension and meanings are devoured, if meanings are still redeemable in purgatory, in case we are not yet immersed in hell. Paperback Tatak Atalia: Walang closure. Tenbits. Paperback

READ Tatlong Gabi, Tatlong Araw

Bitin sa kalibugan. Napakalupet ng twist ng librong ito. Habang binabasa ko ito ay napakaraming tanong na pumuputok sa aking isipan. Medyo naghihintay nga lang ako dahil nasanay lang ako na laging may bed scenes sa mga libro ni Eros. May mga bahagi na akala ko ay may mangyayari na. Hindi pala. Wala pala. Pero kung ito ang dahilan ng pagkadismaya ng mga ibang reviewers, aba eh, siguro'y nagbabasa lang sila dahil sa kalibugan. Hindi rin dapat ipagkumpara ang librong ito sa Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan. Iba si Bob Ong kay Eros Atalia. Kung misyon man ng librong ito na takutin ang mga mambabasa, siguro'y hindi lang naging matagumpay sa mga karamihang mahina ang euphoria at kulang sa ehersisyo ng mga neurons sa kanilang utak. Sa tingin ko ay ang misyon ng librong ito ay para maipakita ang mga sitwasyon sa mga malalayong lugar na hindi naaabot ng gobyerno, malaman ang mga ilegal na gawain, existence of revolutionary tax at meron pa lang palarong patigasan ng titi ng mga bata.

Si Mong ay walang palag kay Intoy. Natapos ko itong basahin at hindi pa rin ako nakaka-recover sa mga mas naunang nobela ni Eros Atalia. Paperback Sa totoo lang,kakasimula ko pa lang basahin ng librong ito.Sa pagpapatuloy ng daloy ng isang istoryang nasasalamin ang ugaling Pinoy,mapa-probinsya man o mapa-lungsod,nakita ko ang kahusayan ng author sa MIRRORING.Ang paraan ni Sir Eros Atalia ng pagkukuwento ay tunay na kahanga-hanga bagamat napansin ko na mayroong ilang mga butas na kailangang tapalan ang libro.Una,redundant words.Pangalawa,hindi pa marahil sumasailalim sa masinsinang editing ang libro kaya marami pang typos.Sa pangkalahatan,ito ay isang gawang Pinoy na tunay na maipagmamalaki.Napakatalino!
Oo nga pala,napakaganda din ng cover!Hehe. :) Paperback Isa ito sa mga akdang paborito ko. Maraming dahilan kaya huwag na lang isa-isahin. Pero ang malinaw, malinaw ang pagkakakuwento ng kuwento mula umpisa hanggang dulo; bagamat nabitin ako sa kahulihan nito. Ganoon naman 'di ba? Kung saan ka nasisiyahan ay bigla na lang itong matatapos. Bigla. Walang closure. Wala nang tanong-tanong pa. Siguro kung limang gabi o kahit pa sampung gabi at sampung araw ang timeline nito, mas lalo pa akong mahihikayat na humanap ng lugar na parang Magapok (at kung makakita man ako, titiyakin ko na mananatili ako roon kahit na hindi na ako makalalabas pa). Paperback Dahil ba nakalagay sa synopsis ng libro ay may mga kababalaghang nangyari sa Magapok ay matik nang nakakatakot agad ang mga mangyayari? Nakakatakot naman talaga, kung tutuusin. Ikaw ba naman makaranas ng mga bagay na hindi mo maipaliwanag at hindi mo na alam ang mga paniniwalaan mo, sinong hindi matatakot? Hindi naman ito yung tipong True Philippine Ghost Stories na hindi ka patutulugin sa gabi o gugulatin ka. Tingin ko, hindi naman ganun ang gustong iparating ni Sir Eros Atalia sa kuwentong ito. At hindi lang basta hinaluan ng kababalaghan para lang siguradong hindi mo mabitawan ang libro hanggang dulo, na, sabi nga ng karamihan, nakakabitin. Nakakabitin naman talaga dahil hindi na nakapagbigay ng malinaw na paliwanag sa mga bagay na naganap sa Brgy. Magapok. Pero para sa akin, isa itong irony. Irony sa mga mamamahayag. Naka-relate ako dahil mula high school, nagsusulat ako ng balita; at nararanasan maski ng isang student journalist ang mga nararanasan ng isang propesiyunal na mamamahayag. Si Mong na may magandang karera sa pagiging broadcast-journalist, ang trabahong walang katapusang humahabol sa katotohanan o kawalan nito, ay nilamon kakahanap niya ng totoo, ng ire-report at ilalabas sa buong mundo. Dahil kung hindi naman talaga dahil sa trabaho niya ay malamang hindi na siguro siya babalik sa Magapok, hindi siya mapapabalik ng kahit anong pangako niya sa kung sino-sino. Siya na rin mismo ang umaamin nito sa sarili niya. Kung tutuusin nga, halos hindi niya binitawan ang camera niya noong nasa Magapok na siya. Trabaho pa rin. Ngunit ito nga ang irony ng pagiging mamamahayag: maaari niyang habulin ang katotohanan ngunit hindi niya ito lubusang mahahanap. Kailangan niya pa ring maghukay nang maghukay nang maghukay, pero kahit ilaan niya ang buong buhay niya rito, hindi pa rin siya matatapos sa paghukay. At marami pa rin siyang hindi maipapaliwanag kahit pa sabihing marami na siyang alam.

Wala na akong masasabi sa pagkakasulat dahil hindi naman ako na-bore kay Sir Eros kahit kailan. Sustained naman ang maikli kong attention span mula unang pahina. May mga typo, pero di naman na mahalaga yun. Ang mahalaga ay naintindihan ko yung sinabi.

PS. Ang manyak ni Mong. Paperback Sa huli, ang mambabasa pa din ang sasagot sa mga katanungan nya dahil hindi ito ipinamigay ni Atalia. Kukulitin at kikilitiin ang utak kahit ilang beses basahin. Paperback

Tatlong